Spurs talo na may parusa pa

spurts

TALO na may kaparusahan pang naghihintay sa San Antonio Spurs.

Ito’y matapos hindi paglaruin ni Spurs head coach Gregg Popovich ang kanyang starters laban sa Miami Heat kanina sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Pinauwi ni Popovich sina Tim Duncan, Manu Ginobili, Tony Parker at Danny Green sa San Antonio para magpahinga na hindi naman nagustuhan ni NBA Commissioner David Stern.

Ayon kay Popovich para sa ikabubuti ng kanyang team ang ginawa niyang hakbang subalit hindi sumang-ayon si Stern at sinabi nitong  ang desisyon ay ”unacceptable,” kaya humingi na agad ito paumanhin sa mga fans dahil padadalhan nito ng Sanction ang Spurs.

”Everybody has to make decisions about their schedule, about players playing and back-to-backs and trips and that sort of thing,” sabi ni Popovich pagkatapos ng kanilang laro. ”In our case, this month we’ve had 11 away games, after tonight. We’ve had an eight-day trip and a 10-day trip, and we’re ending it with four (games) in five nights here. I think it’d be unwise to be playing our guys in that kind of a situation, given their history.”

Hindi naman naging madali ang panalo ng Heat kahit wala ang mga pambatao ng Spurs.

Lamang ng pitong puntos ang San Antonio may 4:48 pa ang nalalabing oras sa final canto at sa huling 2:14 minuto ng laban ay nasa unahan pa rin ang Spurs matapos ang 3-pointer ni Gary Neal, 98-93.

Dito muling nakita ang LeBron James-to-Ray Allen kaya naungusan ng Heat ang Spurs, 105-100 at ilista ng una ang 11-3 win-loss slate.

”Every time a guy turns his head I have to find the open spot so LeBron can see me,” pahayag ni Allen. ”Anything can happen out there. We put ourselves in such a tough situation, but we kept plugging away.”

Lumiyab si Three-time MVP James ng 23 puntos, siyam na rebounds at pitong assists upang itarak na rin ng Heat ang seven-game winning streak sa home.

Tumikada naman si Allen ng 20 points habang sina Dwyane Wade at Chris Bosh ay bumakas ng 19 pts. At 18 pts, ayon sa pagkakasunod.

Si Gary Neal naman ang nanguna sa opensa para sa Spurs na may binirang 20 markers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply