Staff ng konsehal kinatay ng lover

crime-scene-4

PINAGSASAKSAK at ginilitan ang isang staff ng konsehala na sinasabing hindi pa kilalang papa sa Valenzuela City, kahapon, Nobyembre 20.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Domingo Dimas, 36, staff ni Valenzuela Councilor Lorie Natividad ng Villa Martha subd., Parada ng lungsod, sanhi ng gilit sa leeg at mga saksak sa katawan.

Sa salaysay ng pamangkin ng biktima na si Jerico James Dimas, dakong alas-4:45, nagising siya sa pagtulog sa unang palapag ng bahay ng biktima nang makarinig ng mga kaguluhan sa kuwarto ng kanyang tito na nasa ikalawang palapag.

Nang akyatin ay nakitang nasa aktong lalabas ang biktima subalit biglang isinara ng suspek at ikinandado.

Nakita ng saksi na may bahid ng dugo ang pinto ng kuwarto na naging dahilan upang lumabas ng bahay at i-lock ang pintuan bago humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang suspek na pilit binubuksan ang pintuan ng bahay sabay sabing hinimatay daw ang biktima habang nakikipag-sex subalit hindi naniwala ang pamangkin ni Dimas at hindi tinanggal ang lock sa labas.

Maya-maya pa ay umakyat sa terrace ang suspek at doon bumaba hanggang sa makatakas. Pinuntuhan naman ng mga kapitbahay ang biktima na duguan na at dinala sa naturang pagamutan.

Ayon pa sa saksi, ilang beses pa lang niyang nakikita ang suspek na hinihinalang boyfriend ng biktima.

Inilarawan lang ang suspek na may taas na 5’8” hanggang 5’10”, nasa edad 20 hanggang 30, maputi at may kalakihan ang pangangatawan.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply