Standard requisite age sa pre-schoolers iniutos

INIUTOS na ng Department of Education (DepEd) sa mga pre-school at day care center na sumunod sa standard requisite age para sa mga pre-schooler.

Ayon sa DepEd, dapat ay limang (5) taong gulang lamang ang mga papasok sa pre-school dahil ang mga inaasahang papasok sa grade one ay ang mga  nasa  edad anim.

Sa ilalim ng Republic Act Number 10157 (Universal Public Kindergarten Program), ginawang compulsary ng kagawaran ang isang taon sa kindergarten at pre-requisite upang makapasok sa Grade 1.

Nilinaw naman ng DepEd na epektibo lamang ang naturang kautusan sa mga kindergarten sa mga public elementary school sa ilalim ng ‘K to 12 Basic Education Reform Program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply