Stem cell therapy task force binuo ng DOH

KASUNOD na rin ng unti-unting pagsikat at pagpatok ng paggamit ng stem cell therapy, sa buong mundo, kabilang na ang Pilipinas, bumuo na ang Department of Health (DOH) ng task force na siyang magre-regulate sa operasyon nito sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, kasama sa bubuo sa nasabing task force sina FDA Acting Director Kenneth Hartigan-Go, Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) Director Jaime Montoya, at mga scientists mula sa UP-National Institutes of Health (NIH) at UP Marine Science.

Anang Kalihim, kabilang sa limang bagay na tututukan ng Task Force ay ang pinanggagalingan ng mga raw materials, laboratory practices sa paghahanda ng mga tissue at cells, credentials ng mga scientist, monitoring sa marketing claims, ang mga accredited clinic o center ay dapat na ipakita ang positibo at negatibong epekto ng stem cell therapy.

Iginiit ni Ona na hindi papayagan ng pamahalaan ang paggamit ng “aborted fetuses” o “human embryos” para sa therapy.

Dapat rin aniyang ipaalam kung ang gagamiting materyales ay mula sa hayop o human tissues.

Nabatid na ang laboratory practices naman para sa paghahanda ng mga tissue at cells ay dapat na nakasunod sa patakarang pinaiiral ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).

Nilinaw rin naman ni Ona na ang pagpapatupad nito ay magsisimula lamang sa sandaling natapos nang rebyuhin ng DOH at ng nasabing task force ang mga legal at technical specifications ng mga kilinika.

Sa kabila naman nang pagpatok sa Pilipinas, naninindigan pa rin ang DOH na hanggang ngayon ay ikinukunsidera pa rin ang Stem Cell bilang isang “investigational intervention”.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply