Stockroom ng Ospital ng Sampaloc nasunog

NASAKLUBAN ng takot at pangamba ang mga pasyente ng Ospital ng Sampaloc matapos na magliyab ang stockroom nito kaninang umaga sa Maynila.

Dahil din sa takot ay nag-unahang makalabas ng gusali ang mga pasyente nang makitang nasusunog ang stockroom ng Emergency room ganap na alas-10:45 kaninang umaga.

Ayon kay FO2 Lords Hernandez, ng Manila Fire Bureau, nasimot ang mga ginagamit na bed sheet, kumot at punda ng unan ng ospital dahil sa sunog.

Nauna rito, napansin umano ng housekeepr ng ospital na may umuusok sa stockroom at nang buksan ito ay bumulaga sa kanya ang nasusunog na mga gamit ng ospital kaya agad itong kumuha ng fire extinguisher parta apulahin ang sunog.

Sa imbestigasyon naman ng fire department, dumikit umano sa fluorescent ang mga nakasalansang kumot dahilan para mag-init at tuluyang magliyab.

Naapula naman ng ginamit na fire extinguisher ang nagliliyab ng stock room, kaya patay na ang sunog ng dumating ang mga bumbero dakong alas-11 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply