Street children ipagbawal na mamasko sa lansangan – Koko

HINIMOK ni Sen. Koko Pimentel ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) na pagbawalan ang mga street children na mamasko o mamalimos sa lansangan upang makaiwas sa disgrasya.

Ayon kay Pimentel, dapat gumawa ng hakbang ang DSWD at LGUs upang mapangalagaan ang mga kabataan na nasasadlak na sa kahirapan ay nalalagay pa sa panganib ang buhay sa harap ng rumaragasang sasakyang habang namamalimos sa kalsada.

Dahil dito, umapela si Pimentel sa DSWD at LGUs na bumuo ng team o grupo na tutulong sa mga street children lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Iginiit ni Pimentel na dapat maging aktibo at maging seryoso ang lokal na pamahalaan sa kampanya hinggil sa pangangalaga sa mga menor de edad lalo na ang mga naninirahan sa lansangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply