Stude na tulak nalambat sa Dagupan City

DAGUPAN CITY – Inaresto ng mga miyembro ng Sta. Barbara Philippine National Police (PNP) at lokal na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang criminology student sa lungsod dahil sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga.

Nakapiit ngayon ang suspek na kinilalang si Michael Esteves, sa Sta. Barbara PNP.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng surveillance operation ang lokal na PNP at PDEA matapos silang makatanggap ng impormasyon na ang suspek ay nabebenta ng iligal na droga sa mga estudyante sa nasabing lungsod.

Nang makumpirma ang natanggap na impormasyon, agad nagsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad at dito inaresto ang suspek.

Sinamapahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply