Sugal ni Don Ramon sa Kyusi at nabubulok na NFA rice

burdado-jun-briones2

SAMANTALANG naghihikahos ang mga Filipino na ang karamihan ay halos “one day, one eat” na lang, nabubulok naman sa bodega ng National Foods Authority sa Quezon City ang tone-toneladang bigas na Iron-Fortified Rice (I-Rice).

Mas ginusto pa, parekoy, nitong mga “sipsip-bulong” ni PNoy na masayang ang napakaraming grasya keysa pakinabangan ng mahihirap.

Isa lang ang malinaw sa atin na dahilan kaya hindi ito ipinamudmod sa mga naghihikahos nating kababayan.

Dahil ang nasabing I-Rice ay binili noon pang panahon ni Gloria Macapagal Arroyo.

Baka nga naman isipin na may bigas na ipinamimigay ng libre na inangkat sa panahon ni GMA samantalang ang mga inangkat na NFA rice rito sa panahon ni PNoy ay lalong tumaas ang presyo!

Sa loob nga raw ng nasabing bodega ng NFA, kapag lumakad ka ay masasabi mong “inaamag na daan!”

Eh, ano ngang matuwid na daan, kung  inaamag naman?

At anong walang korap, eh, kitang-kita na nga ang sandamakmak na mahihirap!

‘Yan, parekoy, ang problema sa ating pamahalaan, para lang hindi mapuri ang nakaraan o huwag mapulaan ang kasalukuyan ay di bale nang masayang ang napakaraming grasya na sana ay mapakikinabangan pa ng mahihirap!

Sana po, mahal na Pangulo, ay ipina-repack na lamang ninyo sa mga lalagyan na  may larawan kayo o pangalan ninyo.

‘Di bale nang lokohin kami kung sino talaga ang bumili ng mga I-Rice na ‘yan basta mapakinabangan lang ng mga pobre!

-o0o-

MULING umarangkada ang iligal na sugal na lotteng ni Don Ramon sa Quezon City.

Nagmamalaki  umano  ang namamahalang si Jun Carabana alyas Dr. Jun Albaran na “this time” ay hindi na sila matitinag sa Kyusi dahil matindi na ang kanilang kapit kay “papa meyor” at kompleto na rin sila sa mga parating mula sa tanggapan ni QCPD Chief, Gen. Mario dela Vega hanggang sa PNP Regional Office sa Bicutan, Taguig.

Talaga lang ha! Aber?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply