Sugal sa Cavite namulaklak at bitayin si Coco Rasuman

burdado- jun briones

BANTAY sarado, pinasuot ng “bullet proof” ang suspek at may armored tank pa na bantay sa kanilang bahay.

‘Yan parekoy ang ginawang pag-beybi ng pamahalaang ito sa isang halimaw na nanloko ng napakaraming pera mula sa ating mga  kababayan.

Ang katwiran, parekoy ng militar, pulisya at NBI, tinitiyak lang daw na hindi masaktan ng kanyang149  biktima itong manlolokong si Coco Rasuman.

Tangna, ang tindi ng kahayupan na ginawa ng hayop  na ‘yan tapos ang kanyang kalagayan pa rin ang ating isinaalang-alang?

‘Di nga ba sa Maynila ay kinakatay na lang ng mga pulis ang mga suspek sa malalaking krimen sa ating lipunan?

Bakit, noong ginawa ni Rasuman ang panloloko sa napakaraming kababayan ay hindi ba niya naisip ang seguridad niya at kanyang pamilya?

Ika nga eh, buntot mo hila mo! Lakas ng loob na gumawa ng napakalaking katarantaduhan tapos ngayon ay bahag ang buntot na magpapaprotekta sa ating gobyerno?

Eh ‘di lumalabas na itong gobyerno pala ay protektor ng mga “salarin” sa matinding panloloko o katarantaduhan?

Dapat sa Rasuman na ‘yan ay binibitay ng patiwarik! Pwe!

-o0o-

KAYA naman pala malakas ang loob ni Danny Itlog na largahan ang lahat ng sugal sa Cavite City, Kawit, Noveleta at Rosario Cavite ay dahil may patong siya sa mga pulis!

Paging Cavite PNP Provincial Director S/Supt. John Bulalacao, alam mo ba, sir, na isang kernel dyan sa “kwartel” ang nagbibigay umano ng lakas ng loob kay “Danny Itlog” para muling ipakalat ang mga sugalan sa nabanggit na mga lugar, sa kabila ng order ninyo ni RD James Andres  Melad na patigilin ang mga ito?

Sa totoo lang, Col. Bulalacao, ako at sampu ng mga nagrereklamong taga-Cavite ay hindi naniniwala na hanggang sa opisina mo ay swak itong nabanggit na mga iligal.

Pero kapag hinayaan mo ito ay baka maniwala na sila at iparating ang kanilang mga reklamo sa mismong tanggapan ni DILG Secretary Mar Roxas.

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply