Sulat para kay Caloocan Rep. Oscar “Oca” Malapitan

burdado- jun briones

PATUNAY na patas ang ating espasyo ay minabuti kong ilathala nang buo ang sulat ng isa nating tagasubaybay.

Linggo-linggo ay pipili po tayo sa mga sulat at ito ay ating ilalathala nang buo.

Dear Mr. Briones, sana sa pamamagitan ng iyong kolum ay maipaabot naming mga taga-Bagong Silang, Caloocan City ang aming kahilingan para kay Congressman Oscar “Oca” Malapitan.

Alam po naming hindi ordinaryong bagay ang ginagawa mo ngayon na pakikipaglaban para sa mga taga-Caloocan lalo na po sa aming mga mahihirap.

Halos alam na rin  po namin na sa darating na election ay maglilipana ang bilihan ng boto mula sa iyong mga kalaban na posibleng maging dahilan para ikaw at si Konsehal Alon (Malapitan) ay panghinaan ng loob.

‘Yan po ang aming hinihiling sa iyo na sana ay hindi mangyaring panghinaan kayo ng loob dahil alam po namin na mulat na ang mga taga-Caloocan lalo na kaming mahihirap kaya hindi po kami magpapatukso sa pera.

Bagama’t alam namin kung gaano kalaking sakripisyo ang ipinaglingkod mo sa aming mga ka-distrito mo ay desidido po kaming magboluntaryong tumulong para maipaabot sa lahat ng mga taga-Caloocan ang napakaganda mong serbisyo at magaganda pang pangarap para sa Caloocan.

Katunayan ay inihahanda na rin po namin ang plano naming “ambagan para sa Caloocan.”

Dito  po  ay nakahanda kaming magbigay ng kahit mga baryang donasyon para magamit sa pagpapalaganap ng iyong tunay na layunin para sa Caloocan, at ito po ay ikakatok namin sa puso ng buong residente ng Caloocan.

Hiling lang namin na ipagpatuloy mo ang pakikipaglaban para sa amin.

Rico De Dios, Bagong Silang

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply