Sultan Kudarat inuga ng magnitude 5.2 na lindol – Phivolcs

NARAMDAMAN ang magnitude 5.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig kaninang alas-4:28 ng madaling araw.

Batay sa ulat ay lalim itong 612 kilometro, habang natukoy ang epicenter sa 48 kilometro sa timog Kanluran ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Pero mas mahinang lindol na lamang umano ang naramdaman ng mga residente dahil nasa gitna ng dagat ang sentro ng pagyanig.

Nabatid na tectonic ang pinagmulan nito o resulta ng paggalaw ng tectonic plate sa bahagi ng ating bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply