Sunog sumiklab sa isang gusali sa Sta. Mesa

fire

NAWALAN ng tirahan ang ilang pamilya sa Sta.Mesa, Maynila matapos na sumiklab ang sunog sa isang dalawang palapag na gusali kaninang tanghali.

Ayon kay Senior Inspector Marvin Carbonel, ground commander ng mga rumispondeng pamatay sunog na nagsimula ang sunog ganap na alas 12:00 ng tanghali sa likurang bahagi ng tahanan ng mag-asawang Felix at Cecilia Salvador sa may V. Mapa extension sa Sta.Mesa, Maynila.

Wala umano sa bahay ang mag-asawa ng sumiklab ang sunog sa likurang bahagi ng kanilang bahay nang mapansin ito ng ilang residente sa lugar.

Maagap namang nakalabas ang mga anak at apo ng mag-asawa sa babahy na nuoy mahimbing na natutulog nang sumuklab ang apoy.

Umaabot naman sa P50,000 ang halaga ng natupok ng apoy base sa iniyal na pagtaya ng Bureau of Fire Protection.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang sunog at wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply