Suns durog sa Heat

WALANG kahirap-hirap na ginupo ng defending champion Miami Heat ang Phoenix Suns, 124-99 upang ilista ang 3-1 win-loss slate sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Sa first half ay binomba na agad ng Miami ang Phoenix, 65-53 at tumuloy-tuloy pa ang pamamaso ng Heat hanggang third period.

”It’s all geared to our defense,” wika ni Three-time MVP James top scorer ng Heat na may tinikadang 23 puntos at 11 rebounds.
”When we defend, we can do whatever we want offensively.”

Walong players ng Miami ang nakasalpak ng three-pointer kaya naman lalong natambakan ang Suns.

Nakatatlong 3-point sa apat na tira si Ray Allen habang walang sablay naman sa tatlong birada si Mario Chalmers.

Nakadalawa naman si King James kapareho nina Rashard Lewis at James Jones habang tig-iisang three-point shot naman ang inilagak nina Dwyane Wade, Norris Cole at Shane Battier.

Si Wade ang pumangalawa sa opensa ng Heat na may pinasok na 22 points, anim na assists at tatlong boards habang 18 at 15 pts. naman ang binakas nina Chris Bosh at Allen, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, si Allen ang pang 24th player sa NBA history na naka 23,000-point mark nang kumana sa may 1:01 minuto ang natitirang oras sa third quarter.

”It’s not that it means a big deal,” ani ni Allen. ”It’s a sign, a seal, a verification of everything I’ve done in my career.

Sa ibang NBA resulta, malinis pa rin sa apat na laro ang San Antonio Spurs nang pisakin nila ang Indiana Pacers, 101-79 habang tinarak naman ng New York Knicks, 110-88.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply