Suporta ng mga magsasaka upang matamo ang kasapatan ng bigas

HININGI ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala ang patuloy na pagsuporta ng mga grupong magsasaka, gayundin ng local na opisyales ng gobyerno at maging ng pribadong sector upang matamo ang pangunahing minimithi sa ilalim ng pamahalaang Aquino ito ay walang iba kundi ang “food staples sufficiency programa (FSSP).

Partikular na hinimok ni Kalihim Alcala ang IAs at SWISAs upang magsanib-lakas kasama ang Department of Agriculture at ang National Irrigation Administration (NIA) na pinamumunuan ni Antonio Nangel, upang masiguro na ang pondo para sa proyektong pang–irrigation ay maayos na maipatutupad upang makatulong na matamo ang kasapatan sa bigas na target sa ilalim ng FSSP.

Ang FSSP ay ang banner program ng gobyernong Aquino, na nagnanasa na matamo ang bigas at mga pangunahing pangangailangan sa produksyon ng maliliit na magsasaka at mangingisda na siyang nagpapatatag sa mga komunidad na may pagsasaka at pangingisda, na siyang nag-lalantad sa ating bansa upang maging globally competitive.

Binigyan ng komendasyon ng pangulo ang DA at si Kalihim Alcala dahil sa mabisang paraan ng pagpapababa sa pang-angkat ng bigas. Mula sa mataas na 2.4 milyong metric tons noong 2010 ay naging 500,000 metrics tons na lamang ngayong taon, at ang pagpapatuloy pa sa masaganang produksyon upang makamit pa ang kasapatan sa bigas, sa dulo ng taong 2013.

Ayon pa kay Kalihim Alcala, maaaring matamo ang target na produksyon na 18.46 milyon metric tons ng bigas sa mga sumusunod na buwan ng 2012, dahil sa mainam na kondisyon ng panahon na magreresulta sa magandang record ng pag-aani. Dahil dito, ang bansa ay aangkat na lamang ng kaunti sa susunod na taon, na maaaring hanggang sa 100,000 metric tons lamang o mas mababa pa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply