Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 lindol

surigao-del-norte

NIYANIG ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte, kanina bago mag-ala-6:30 ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng pagyanig sa layong 159 kilometro sa Hilagang Silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 49 kilometro.

Bago ang pagyanig sa Surigao del Norte ay tinamaan naman ng magnitude 4.9 na lindol ang bahagi ng Antique.

Naitala ang epicenter nito sa anim na kilometro sa hilagang silangan ng Valderrama sa Antique at may lalim na 11 kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 sa Valderrama, Antique; intensity 4 sa Sibalom at San Jose De Buenavista, Antique at intensity 3 naman sa Calinog, Iloilo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply