Surigao del Sur, nilindol ng magnitude 6.5

INUGA ng magnitude 6.5 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur kaninang alas-2:17 ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 20 kilometro sa hilagang silangan ng Tandag, Surigao del Sur. Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 78 kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 sa Tandag; intensity 4 sa Surigao City at Dapa, Surigao del Norte; at intensity 3 sa Bislig City at Butuan City.

Nagkaroon ito ng mahihinang aftershocks na ang pinakamalakas ay ang magnitude 4.6.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply