Suspek sa UPLB stude slay, mamamatay tao na sinungaling pa

UPLB

MAMAMATAY tao na, nuknukan pa ng sinungaling ang lalaking pumatay sa 19-anyos na University of the Philippines Los Baños student.

Sinabi ni Senior Supt. Fausto Manzanilla, na sa kabila ng pagtanggi ng suspect na si Benigno Cayetano, na isinuko ng kanyang lolo sa awtoridad nitong nakarang Biyernes, ay matibay ang dalawang hawak nilang testigo para madiin ito sa pagpatay sa biktimang si Maria Victoria Reyes, 3rd year Agriculture student ng UPLB.

Sinampahan na kahapon ng Laguna Police Office si Cayetano ng kasong robbery with homicide.

Si Cayetano ang itinuturong huling nakita ng mga testigo na duguan na lumalabas sa bahay ng biktima bago natagpuan ang kanyang bangkay noong nakaraang Lunes.

Isinasailalim na ito sa masusing interogasyon sa Camp Vicente Lim, ang headquarters ng Southern Police Office sa Canlubang Laguna para mapaamin sa ikinasang krimen.

Isinuko si Cayetano ng kanyang lolo na si Gonzalo Atienza, isang dating barangay captain sa Tanauan Batangas matapos na malaman na sangkot ang kanyang  apo.

Ikinagulat naman ng marami na kabilang sa makakaparte ng pabuya na halagang P500,000 ang lolo ni Cayetano at dalawang testigo sa krimen.

Natagpuan ang bangkay ni Reyes noong N0byembre 19, sa loob ng kuwarto nito na may isang saksak sa kaliwang dibdib at ito ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sa pagsisiyasat, nahuli ni Reyes ang suspect na nasa lob na ng kanilang bahay kasya nang magsisigaw ay sinaksak ni Cayetano bago tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply