Suspek na pumatay sa ka-live-in, arestado

NAARESTO na ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section, ang pinaniniwalaang suspek at live-in partner ng isang babae na natagpuang patay sa may riverside ng Harbour Center R-10 Vitas, Tondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa detencion cell ng Homicide section ang suspek na si Wilfredo Ramos, 48, truck driver, at residente ng 1114 III Meycuayan, Bulacan.

Ayon kay SPO2 Ronald Gallo, imbestigador, dakong alas 4:50 kahapon ng maaresto ang suspek sa Steel Asia Iron Plant sa may Meycauyan, Bulacan nang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya.

Sa panayam sa suspek, itinanggi nito na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng kinakasamang si Marithess Espedilla, 38, dahil nasa trabaho ito at kahapon lamang umano nito nalaman ang sinapit ng biktima.

Iginiit din ni Ramos na may nakakaaway umanong pahinante ang biktima sa Pier kaya posible napag-initan ito na nagresulta ng pagpatay sa biktima.

Napag-alaman na itinurong suspek si Ramos matapos na kumpirmahin ng anak ng biktima na huling nakasama ng kanyang ina ang suspek bago ito natagpuang patay sa Harbour Center noong nakaraang Lunes.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply