Suspek sa ambush sa anak ng retiradong pulis, tinutugis

INILUNSAD na ng Quezon City Police District (QCPD) ang malawakang manhunt operation para madakip ang mga salarin na nasa likod sa pananambang sa anak ng retiradong pulis.

Nabatid na kasalukuyan ay nasa ligtas nang kalagayan at nagpapagaling sa isang ospital ang mga biktima na sina Czarina Valle at Freda Uy matapos paulanan ng bala ang sinasakyan nilang kotse sa Commonwealth Avenue kagabi.

Hinala ni retired Police Col. Ecliserio Navarro, tatay ni Czarina, posibleng may koneksiyon sa negosyo ang nangyaring pananambang.

Sinabi nito, kolektor ang kaniyang anak sa mga pautang sa mga retiradong pulis at maaaring may hindi pagkakaunawaan sa isa sa mga pina-utang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply