Suspek sa masaker sa Maynila iniharap kay Lim

INIHARAP ngayon kay Manila Mayor Alfredo Lim ang suspek sa pagmasaker sa mag-ina at kanilang maid sa Sta. Cruz, Maynila kahapon (Lunes, Nobyembre 12).

Kasunod nito ay isinalang na sa inquest proceedings ang suspek na kinilalang si Nestor Delizalde Jr, barangay tanod.

Si Delizalde ay sinampahan ng three counts of  homicide at kasong robbery.

Kagabi, naaresto si Delizalde sa may Batangas St., Tondo, Maynila sa pakikipagtulungan na rin ni Chairman Arthur Ignacio ng Brgy.221 Zone 21.

Kahapon ng umaga, natagpuang naliligo sa sariling dugo sina Teresita Tan, 65 anyos; anak nitong si Evelyn Tan, 40 anyos, vice president for Loan Department ng Banco de Oro, Makati branch; at kanilang kasambahay na si Christina Bartolay, 22 anyos, sa kanilang bahay sa 2017 Yakal St., Sta. Cruz, Maynila.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply