Suspek sa masaker sa Maynila nang-agaw ng baril, binaril

NAG-AAGAW buhay ngayon sa ospital ang suspek na nagmasaker sa mag-ina at kasambahay sa Yakal Street, Sta. Cruz, Maynila noong Lunes.

Nabatid sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagsasagawa sila ng follow-up operation nang mang-agaw umano ng baril si Nestor Delizalde Jr., tanod ng Brgy. 225 Zone 21.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na barilin si Delizalde sa pangambang makapatay pa ng pulis ang naturang suspek.

Ang suspek ay agad sinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

Matatandaan na Lunes ng madaling araw, Nobyembre 12, nang pasukin ni Delizalde ang bahay ng pamilya Tan.

Natagpuang duguan at tadtad ng saksak ang mga biktima na sina Teresa Tan, 60-anyos; anak niyang si Evelyn Tan, 40; at kasambahay na si Cristina Partolay 22.

Batay sa imbestigasyon lumalabas na nakuha sa loob ng bahay ang P22,000 cash, tatlong cellphone at isang digital camera.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply