Suspek sa pagpasabog sa NBP, tukoy na ng NBI

MAY suspek na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na pagsabog sa loob ng compound ng New Bilibid prison (NBP) noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa NBI, base sa nakuhang footage ng CCTV, nakasuot ng kulay orange na tshirt ang suspek at may takip ang ulo na kulay puting towel.

Mapapansin din sa footage na nagpahuli sa pagja-jogging ang suspek at nagmistulang naglakad na lamang saka may kinuha sa loob ng kanyang damit saka hinagis ang granada.

Matapos ang paghagis ay saka bumalik at may nakasalubong pang isang inmate na naka-dilaw na short at orange na t-shirt.

Bagamat may suspek na ang ahensya, tumanggi naman itong magbigay ng iba pang impormasyon sa kung anong grupo kabilang ang suspek.

Sinasabi namang drug war ang sanhi ng pagsabog sa NBP kung saan inaalam din kung paano nagkaroon ng granada sa itinuturing na high risk facility ang compound.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply