Suspek sa pagpatay ng modelo, patay sa engkuwentro

crime5

NAMATAY sa madugong engkuwentro ang isa sa suspek sa umano’y pagpatay at pagdukot sa isang modelo sa Quezon City.

Kinilala ng mga pulis ang napatay na suspek na si Fahad Usman na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa part-time model na si Julie Anne Rodelas.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), namataan ang suspek sa isang bahay sa Lanao St., Quezon City ngunit agad umano itong nagpaputok sa mga pulis kaya gumanti ang mga operatiba kaya duguang bumagsak at napatay.

Una rito, dinala rin sa presinto ang dalawa pang suspek na sina Altea Altamirano at Fernando Quiambao Jr. makaraan silang maaresto sa Apalit, Pampanga.

Nabatid na kakilala ni Altamirano ang salarin at maging ang biktima ngunit hindi ito agad nakipagtulungan sa mga pulis kaya isinama na rin ito sa kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply