Suspek sa pagpatay sa mag-ina, maid kakasuhan na

crime-scene-4

KAKASUHAN na ngayong umaga ng kasong three counts of homicide at kasong robbery ang barangay tanod na suspek sa pagpatay mag-ina at kanilang kasambahay sa Sta.Cruz, Maynila.

Si Nestor Delizalde, Jr, ay naaresto kagabi sa may Batangas St., sa Tondo, Maynila sa pakikipagtulungan na rin ni barangay Chairman Arthur Ignacio ng Brgy.221 Zone 21.

Una rito, natagpuang duguan at tadtad ng saksak ang mag-ina na si Teresita Tan, 65 anyos; anak nitong si Evelyn Tan, 40 anyos; vice president for Loan Department ng Banco de Oro sa sangay sa Makati; at kanilang kasambahay na si Christina Bartolay, 22 anyos kapwa residente ng 2017 Yakal St., Sta.Cruz, Manila.

Isang alyas Conrad naman ang patuloy na tinutugis ng pulisya na umano’y kasabwat ng suspek.

Inamin naman ni Delizalde ang insidente at nabatid na pagnanakaw lamang ang kanyang pakay .

Napag-alaman din na lulong sa droga ang suspek nang looban nito ang bahay ng mga biktima at pagsasaksakin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply