Suspek sa pagpatay sa mag-ina, maid sa Maynila nadakip

NATIMBOG na kagabi ang primary suspect sa pagpatay sa mag-ina at sa isang kasambahay, kaninang umaga sa Sta.Cruz, Manila.

Si Nestor dela Zalde Jr., 34 anyos ng 1299 Herrera St., Tondo at barangay tanod sa Brgy.255 Zone 21 ay nadakip habang papasakay ng tricycle sa panulukan ng Batangas at Molave sts., sa Tondo.

Nabatid sa report, dakong 8:00 ng gabi nang mamataan ang nasabing suspek ng ilang barangay tanod ng Barangay 221-Zone 21 sa nasabing lugar, bitbit ang ilang gamit para umano takasan nito ang pagpatay sa mag-ina na sina Teresita Tan, 65 anyos; anak nitong si Evelyn Tan, 40 anyos; vice president ng Banco de Oro sa sangay ng Makati; at ang isang Christina Bartolay, 22 anyos kapwa residente ng 2017 Yakal St., Sta.Cruz, Manila.

Nabatid na may kasabwat pa si Dela Zalde, na sinasabing lulong sa shabu, ayon sa naging salaysay nito sa loob ng nasabing barangay hall bago ito dinala sa Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section.

Nauna rito, nadiskubreng patay ang mga biktima sa kanilang bahay, makaraang magtungo ang isang Francis Lalin na isang taga-rent-a-car para sunduin at ihatid ang empleyado ng bangko na si Evelyn sa Ninoy Aquino International Airport para pumunta sa Beijing China para sa isang business trip.

Ipinagtaka ni Lalin ang hindi pagsagot sa cellphone ni Evelyn kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa opsiyal ng barangay ang insidente.

Unang nadiskubreng patay ang kasambahay sa may pintuan habang ang mag-ina ay nasa salas ng kanilang bahay na pawang may malaking hiwa sa leeg.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply