Suspek sa pagpatay sa magpinsang nene hawak na ng pulisya

crime-scene-4

HAWAK na ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa magpinsan na nene sa Caloocan City.

Kinilala ni Senior Supt. Rimas Calixto ang suspek na si Gilbert Fulloso, 27, nakatira sa tapat ng bahay ng mga biktimang sina Diana Rose Liza, 15 at Joanna Marie Coronado, 10 sa Padas Alley ng lungsod.

Magugunita na dakong alas-6:30 ng umaga noong Nobyembre 25, 2012 nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa loob ng bahay ng mga Liza sa nasabing lugar.

Nabatid na dadalhan sana ng makakain ang mga biktima ng kapatid ni Coronado subalit laking gulat nang makita ang kapatid na patay na sa banyo at may mga saksak sa katawan habang sa kuwarto naman nakita ang bangkay ni Liza.

Sa imbestigasyon, nakakita ng mga patak ng dugo ang mga pulis papunta sa loob ng bahay ng suspek na tumakas na.

Bago matagpuan ang mga bangkay ay may nakainuman umano ang suspek at sinabing huwag mabibigla kung may mabalitaan na dalawang nene na patay na.

May saksi rin na si Fulloso ang huling nakita na nanggaling sa bahay ng mga suspek na naging dahilan upang ituring na suspek.

Kahapon (Nobyembre 29) ay nakuha ng mga pulis ang suspek sa Polangui, Albay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply