Suspek sa pagpatay sa UPLB stude tukoy na

crime-scene-4

TUKOY na ng pulisya ang suspek sa pamamaslang sa estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) kahapon (Lunes, Nobyembre 19) na pang-limang biktima na ng heinous crime sa bansa.

Sinabi ni Laguna Police Director Senior Superintendent Fausto Manzanilla, na base sa salaysay ng dalawang testigong hindi pinangalanan, isang nagngangalang Benigno Nayle, 19-anyos at dati ring residente ng San Vicente ang huling nakitang lumalabas sa bahay ng biktima na si Maria Victoria Reyes, 19-anyos bago itong nadiskubreng tadtad ng saksak.

Batay sa talaan ng pulisya, mapanganib na indibiduwal si Nayle dahil ito ay sangkot din sa kasong robbery, physical injury at direct assault.

Dahil sa pagkakadiskubre, si Nayle na ngayon ang tinuturing na pangunahing suspek at ngayon ay tinutugis na para panagutin sa pagpatay sa biktima.

Naniniwala naman ang pulisya na sa lalong madaling panahon ay masasakote na nila si Nayle dahil bukod sa kilala na ang katauhan nito ay may alam na sila kung ano ang itsura nito.

Samantala, nakalagak na sa Biñan Funeral Homes ang labi ni Reyes na inaasahang dadagsain ng kanyang mga kaklase sa UPLB.

Hiling ng pamilya nito na agad umusad ang kaso para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Kalilibing pa lamang ng modelo at ABS-CBN part time talent na si Julie Ann Rodelas kamakalawa ng umaga na ang pagpatay ay isa ring karumal-dumal na pamamaraan na tulad din ng sinapit ni Cyrish Magalang ng Bacoor, Cavite.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply