Suspek sa pagpatay sa UST student sa Cavite, nasakote na

NASAKOTE na ng Cavite-CIDG ang isa sa sinasabing pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa cum laude graduate ng University of Santo Tomas (UST) na si Cyrish Magalang.

Kinilala ni P/Insp. Reynaldo Magdaluyo ang naarestong suspek na si Rommel Gazeta sa mismong bahay nito sa Bacoor, Cavite.

Ang bangkay ni Cyrish ay mayroon 49 tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at pinalo ng kahoy ang ulo nang natagpuan sa madamong bahagi ng Barangay Gawaran, Bacoor Cavite nitong Miyerkules.

Dahil sa pangyayari, humihingi ng hustisya ang pamilya ni Magalang kasama na ang UST Central Student Council na bigyan ng hustisya at madakip ang pumatay sa biktima.

Inaalam pa ng awtoridad ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply