Suspek sa Ruby Rose slay, naaresto ng NBI

NAARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang akusado sa Ruby Rose slay case.

Ayon sa NBI Special Task force, nakilala ang suspek na si Robert Ponce na naaresto sa kanilang lalawigan sa Cauayan, Isabela.

Si Ponce ay sinasabing may malaking partisipasyon sa pagpatay kay Ruby Rose, kapatid ng aktres at beauty queen na si Rochelle Barrameda, dahil nagsilbi itong driver nang mawala ang biktima.

Magugunitang naiulat na nawawala si Ruby Rose noong tang 2007 at matapos ang dalawang taon ay natagpuan ang bangkay nito na nakasilid sa isang drum at nakasemento bago ito inilubog sa dagat sa Navotas.

Sa ngayon ay patungo na si Barrameda sa NBI upang makaharap ang naarestong suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply