Suspensyon ng Nova Bus, binawi ng LTFRB

BINAWI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 30 araw na preventive suspension sa Nova Auto Transport bus  na ipinataw noong Oktubre 17  matapos masangkot ang Nova Bus sa dalawang magkasunod na aksidente.

Matatandaang binangga ng isang Nova Bus ang CEM Transit Bus sa East Avenue, Quezon City na ikinasugat ng 23 pasahero.

Binangga rin ng isa pang Nova Bus ang isang motorsiklo sa Belfast Avenue, Barangay Pasong Putik, Quezon City na ikinamatay ng driver nito.

Sa dalawang pahinang desisyon ng LTFRB na nilagdaan nina Chairman Jaime Jacob at Board Member Ronaldo Corpuz, partially lifted na ang 30 araw na suspensyon sa Nova Bus na nangangahulugang makakabiyahe na muli ang 66 units pero mananatiling suspendido ang 10 unit nito na nakakabit sa prangkisa ng isang Nova Bus na nakabangga ng motorsiklo.

Naging epektibo ang pagbawi ng suspensyon noong Oktubre 31 matapos maghain ng mosyon ang pamunuan ng Nova Bus.

Pumayag ang LTFRB na bawiin ang suspensyon dahil nakasunod, anila, ang kompanya sa mga requirement tulad ng pagsailalim sa bus inspection, pagsurender ng mga plaka, pagsalang sa drug test at driving seminar ng mga driver at konduktor.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply