Suweldo ng kasambahay P2,500 na

PIRMA na lamang ni Pangulong Noynoy Aquino ang hinihintay upang ganap ng maging batas ang Senate Bill 78 at House Bill 6144 o mas kilala bilang Kasambahay Bill.

Ito ay makaraang lumusot sa bicameral conference committee ang panukalang mabibigay ng karagdagang sahod sa mga kasambahay.

Sa ilalim ng panukalang inakda ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada, magiging P2,500 na ang monthly minimum salary ng mga kasambahay sa Metro Manila, P2,000 sa mga chartered city at fist-class municipalities habang P1,500 naman sa ibang bayan.

Nakapaloob sa Labor Code, P800 lamang ang minimum monthly salary sa Metro Manila, P650 sa mga chartered city at fist-class municipalities habang P550 naman sa ibang bayan.

“The amounts stated in our Labor Code are very much outdated and unrealistic, considering the high cost of living especially in the metropolis. I think it is high time to increase the minimum wage which can be considered decent compensation,” ayon kay Estrada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply