SWS: Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho tumaas

TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na nagsabi na wala silang trabaho sa ikatlong bahagi ng taon.

Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, nasa 29.4% ng respondents o katumbas ng 11.7% ng mga Pinoy ang nagsabi na wala silang trabaho.

Mas mataas ito sa 26.6% noong Mayo, pero mas mababa sa 34.4% noong Marso.

Labintatlong (13) porsyento rin ng respondents ang nagsabi na nawalan sila ng trabaho, habang 12% naman ang nagsabi na nag-resign sila at limang (5) porsyento ang naghahanap pa lang ng unang trabaho.

Ginawa ang survey noong Agosto 24 hanggang 27 ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,200 na respondents.

Sublit malaki ang paniniwala ng pamahalaan na muling makababangon ang mga Pinoy at mabibigyan ng disenteng hanapbuhay bago matapos ang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply