Tagle ganap nang cardinal, CBCP nagbunyi

cardinal-tagle

NAGBUNYI ang buong Simbahang Katoliko sa Pilipinas bunsod nang pagkakaroon ng bagong Cardinal ng bansa kasunod nang pormal na pagdedeklara ni Pope Benedict XVI kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng College of Cardinals sa Vatican City kaninang umaga.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Tagle, 55, ay ang pinakabatang Cardinal sa Pilipinas at ikalawa naman sa buong mundo.

Siya rin ang ikapitong Cardinal sa halos 500 taong kasaysayan ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas.

Kaugnay nito, labis naman ang pasasalamat ni CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma dahil sa paghirang ng Santo Papa kay Tagle bilang Cardinal sa isang consistory na ginanap sa St. Peter’s Basilica ganap na 11:00 ng umaga.

Ayon kay Palma, ang bagong posisyon ay isang pagkilala sa galing at talino ni Tagle bilang pari ng simbahan.

Naniniwala rin si Palma na malaki ang maibabahagi ng bagong Cardinal sa pagtataguyod ng mga adhikain ng Simbahang Katoliko.

Sinaksihan ni Palma at iba pang Pinoy bishops ang isinagawang consistory, kung saan tinanggap ni Tagle at iba pang mga hinirang na Cardinal, ang pulang sombrero at singsing na simbolo ng pagiging miyembro nila ng College of Cardinals.

Nabatid na isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga Cardinal ay ang pagpili ng susunod na Santo Papa ng Catholic Church.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply