Tagle idideklarang cardinal bukas

antonio-tagle

NAKATAKDA nang ideklara si Manila Archbishop at Cardinal-designate Luis Antonio Tagle bilang bagong cardinal ng Simbahang Katoliko sa isang consistory sa Vatican bukas, Sabado, November 24.

Nabatid na araw ng Martes nang dumating si Tagle sa Roma kasama si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, ang kanyang mga magulang, mga malalapit na kaanak, at mga pari.

Si Vice-President Jejomar Binay naman ang nagtungo sa Roma, upang sumaksi sa instalasyon ni Tagle, bilang kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Matatandaang si Tagle, 55, ay kabilang sa anim na arsobispo na itinalaga ni Pope Benedict XVI upang maging miyembro ng College of Cardinals ng Vatican.

Siya ang magiging ikalawang pinakabatang cardinal sa buong mundo, sunod kay Baselios Cleemis, 53, na mula naman sa India.

Bukod kina Tagle at Cleemis, kabilang din sa magiging mga bagong Cardinal ng Catholic Church ay sina James Michael Harvey (America), Bechara Boutros Rahi (Lebanon), John Onaiyekan (Nigeria) at Ruben Salazar Gomez (Colombia).

Isa sa mahahalagang tungkulin ng cardinal ay bumoto ng magiging susunod na Santo Papa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply