Tagle nagtungo na sa Roma para sa consistory

antonio-tagle

NAGTUNGO na sa Roma kagabi si Cardinal-designate, Manila Archbishop Luis Antonio Tagle para dumalo sa isasagawang consistory na pormal na magluluklok sa kanya bilang kardinal ng College of Cardinals ng Simbahang Katoliko.

Ayon sa Archdiocese of Manila, kasama ni Tagle sa pagtungo sa Roma sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, ilang mga pari ng Maynila at kanyang mga magulang at malalapit na kaanak.

Inaasahan namang may ilan ding Pinoy mula sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo ang bibiyahe sa Roma upang saksihan ang naturang consistory na nakatakdang isagawa sa Nobyembre 24 sa isang seremonya sa St. Peter’s Basilica.

Matatandaang si Tagle, 55, na iniluklok na arsobispo ng Maynila noong Disyembre 12, 2011, ay itinalagang Cardinal ni Pope Benedict XVI noong Oktubre 24, 2012 kasabay nang pagdaraos ng Synod of Bishops.

Siya ay ang ikapitong Pinoy na itinalagang Cardinal kasunod nina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime Cardinal Sin, Ricardo Cardinal Vidal, Jose Cardinal Sanchez at si Gaudencio Cardinal Rosales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply