Talamak na smuggling ng gulay, binatikos ng mga magsasaka

MARIING binatikos ng mga magsasaka ang umano’y talamak na iligal na pagpupuslit ng gulay na nagdulot na malaking pagkalugi ng negosyo ng mga maggugulay.

Ayon sa reklamo ng Benguet Farmers Marketing Cooperative (BFMC), kumpirmadong talamak ang smuggling na nakapapasok sa bansa mula ang mga gulay sa China at Taiwan.

Ginagamit umano ng mga smuggler ang port of Cagayan de Oro upang makapasok ng Pilipinas ng mga nasabing produkto.

Kabilang sa madalas na ipinupuslit ang cabbage, peas, carrots at maging mga patatas at sibuyas

Hiling ng BFMC sa pamahalaan lalo na ang Bureau of Customs (BoC) na bigyan ng kaukulang pansin ang talamak na vegetable smuggling sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply