Talent manager pinagbibintangang nandekwat ng mother ng tisay na childstar

blind-item

HINDI naman kami super close sa talent manager/entertainment columnist na maysakit, pero tuwing nakikita naman namin ito sa mga presscons ay nagbabatian naman kami. Alam rin namin kung gaano minahal at inaalagan ni talent manager ang career ng dating starlet na tisay na childstar na noong sumikat pala ay naging ma-ere na ang parents nito lalung-lalo na ang mother dear ni batang artista.

Ang latest news, kaysa sa magka-stress at baka lumala pa nang todo ang karamdaman, binitiwan na lang raw ni manager ang kanyang alaga at ipinaubaya na sa kanyang nanay ang karera nito sa showbiz.

Tuwang-tuwa naman raw ang hitad na mother ni childstar dahil noon pa atat na siya na ang mag-handle sa career ng kanyang daughter na medyo lumalamlam na ang career sa ngayon. Ang da height ay ‘yung itsinitsimis pa ni madir na dinekwatan sila ni talent manager ng datung! Ibinulsa raw ng nasabing kapatid sa hanapbuhay ang talent fee sa isa sa mga naging endorsements ng alagang childstar.

Well, sa aming pagkakaalam ay baka ito ‘yung kinukuwento sa amin ni________ name ni talent manager na inindorso ng kanyang talent na hindi sila binayaran kahit singkong duling. Kalokah naman palang talaga ang showbiz mother na ito na magpapasko pa naman pero dapat nang ipako sa krus kasabay ni Marianita “Gurang” Rivera. Bad karma, is coming to u very-very soon gyud!

***

Sexy drama teleserye ni Bela Padilla na Magdalena Bukambibig at hanep sa tindi ng feedbacks!

KUMPARA kay Marianita Rivera, nakadali ang GMA 7 rito sa alaga ni Ms. Claire dela Fuente na si Bela Padilla.

Aba! bukambibig na at napakaingay ng feedbacks ng sexy-drama teleserye ni Bela na Magdalena. Pahiya nga ang mabibilang mo lang sa daliri na detractors ng magandang aktres na nagsasabing bano itong umarte. Aba’y nang aming mapanood ang acting ni Bela sa Magdalena, ang husay-husay niyang mag-emote at di siya nagpakabog sa ka-eksenang kontrabida na si Mercedes Cabral.

Knowing Ms. Cabral na international actress ang arrive at nangangabog ang ate nating ito pero with Bela, naka- sabay talaga sa acting ability niya ang bagong star ng Kapuso network. Yes, even direk Gina Alajar (director ng teleserye) swak na swak na sa kanya ang performance na ipinapakita ng kanyang lead star at ang maganda pa, dinudumog ng sangkaterbang commercial ang nasabing panghapong serye ni Ms. Padilla sa GMA 7.

Proven na may arrive talaga kami ni BFFT Pete A dahil sinusuportahan ng aming fans ang mga artista at singer na tinutulungan namin sa publicity. Dat is proven na, Marian Domingo and Angel da tsugi Javier gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply