Tanod na rumesponde sa gulo binaril, kritikal

KRITIKAL ang isang tanod nang barilin ng hindi pa kilalang suspek matapos rumesponde sa gulo sa Caloocan City kaninang madaling araw, Nobyembre 2.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Preguso Puso, 63, ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, kasama ang biktima na rumesponde sa rambulan ng limang hindi pa nakikilalang lalaki sa main road ng Phase 1, Bagong Silang.

Habang umaawat ay may pumutok at tinamaan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa EAMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang bumaril sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply