Task Force binuo vs pyramid scam

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na isang National Task Force na ang gagawin para sa mabilis na pagresolba sa bilyong pisong investment scam kung saan libo libo katao ang nabiktima.

Ayon kay de Lima, ito ay batay narin sa personal na kautusan ni Pangulong Benigno Aquino mismo.

Makakasama sa National Task Force ang Department of Justice, Department of Finance at Department of Interior and Local Government.

Bukod rito, magpapatulong rin, aniya, sila sa Securities and Exchange Commission para sa iba pang detalye.

Kaugnay nito, inihayag ni de Lima na sa ngayon ay aabot na sa walong libong complaints ang naihain sa Pagadian prosecutors office mismo, gayunman ilan palang dito ang on going na ang preliminary investigation.

Sinabi ng kalihim na lahat ng mga kasong ito ay ililipat sa Maynila upang maiwasan ang mga conflict of interest kung sa Mindanao gagawin ang pagdinig sa kaso.

Inihayag din ni de Lima na nakabuo na sila ng 14 man panel of prosecutors na hahawak sa kaso sa pangunguna ni State Prosecutor Edna Valenzuela.

Sa pagtaya ng kalihim, posibleng ito na ang pinakamalaking kaso ng pyramiding scam sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply