Tatay na tumaga at sumunog sa sariling anak ipasusuri sa psychiatrist

IPASUSURI sa isang psychiatrist ang ama na inaresto ng pulisya matapos pagtatagain at sunugin ang braso ng dalawang taong gulang na anak na babae kahapon sa Parañaque City.

Ayon kay Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran, ibabatay nila ang resulta ng psychiatric test sa pagsasampa ng kasong frustrated parricide laban sa suspect na si Mark Dipalobos, 31, vendor at residente ng Block 21 Lot 1 Hedurado St. Priince Court 21 Livetown, Brgy Don Bosco na sinasabing posibleng nawala sa sariling katinuan.

Sinabi ni Beltran na kailangang gumaling muna ang mga sugat at pasa sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek na kinuyog at pinagbubugbog ng taumbayan matapos niyang pagtatagain sa batok ang anak na si Nevia Dipalobos at sunugin pa ang braso ng bata pasado alas-3 ng hapon bago nila ipasuri sa dalubhasang psychiatrist.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang umanong hinablot ng suspek ang natutulog na anak, inilabas pa ng bahay sa kanilang sala at kaagad na pinagtataga sa batok ng hawak na itak sa harap ng mga nabiglang kapitbahay.

Nagmakaawa naman ang ina ng bata na si Aileen Frisco, 23 sa kalive-in na pawalan na ang kanilang anak subalit kumuha pa ang lalaki ng gasolina at binuhusan ang kanyang motorsiklong nakaparada sa harap ng bahay bago sinilaban at isinalang sa apoy ang braso ng bata.

Dito na sumaklolo ang mga kalalakihang kapitbahay ng suspect at umapula sa apoy at puwersahan nilang inagaw ang bata bago pinagtulungang bugbugin si Dipalobos

Kasalukuyang nasa kritikal pa ring kalagayan sa Paranaque Doctors Hospital ang bata kaya’t hindi pa makapaghain ng demanda ang ina nito laban sa kalive-in. Tiniyak naman ni Sr. Supt. Beltran na sila na mismo ang magsasampa ng kaso sa suspect sa oras na maisailalim na sa siya psychiatric test.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply