Tawag dinedma ng ex, binata nagbigti

bigti

NAGBIGTI ang isang binata nang hindi sagutin ng dati niyang nobya ang kanyang tawag sa cellphone para makipagbalikan dito sa Ilokos Norte kaninang umaga (Nobyembre 28).

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Bryan Reyes, 21-anyos, tubong Bicol at residente ng Barangay Nagbacalan, Paoay, Ilokos Norte, sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang insidente dakong ala-6:00 ng umaga sa loob ng kuwarto ng biktima.

Ayon sa kasamahan sa bahay ng biktima, bago ang insidente ay napapansin na nilang balisa ang binata at parang laging may hinihintay na tawag sa kanyang cellphone.

Pero laking gulat nila nang pasukin at makitang nakabitin ang binata sa kisame ng kuwarto nito na may nakataling lubid sa kanyang leeg.

Ayon kay Senior Inspector Paul Benedict Parado, chief of police ng Paoay, hinihinala na ang dahilan ng pagbigti ni Reyes ay dahil sa hindi pagsagot ng dating nobya nito.

Sa nakitang text messages sa cellphone ng biktima, nakasaad na handa na ang tali na gagamitin nito sa pagbibigti kapag patuloy na hindi sagutin ng kanyang dating nobya ang kanyang tawag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply