Taxi driver binoga habang nagpi-Facebook, tigok

crime8

SABOG ang ulo ng isang taxi driver matapos itong barilin ng malapitan habang nagpi-facebook sa loob ng isang computer shop kagabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Joseph Ypon, 34, ng Building 16 Unit 116, Vitas, Katuparan, Tondo, Maynila.

Inilarawan naman ang gunman na nakasuot ng itim na jacket, kulay brown na short pants, at nakasuot ng helmet.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejor ng Manila Police District-homicide section, dakong alas 10:30 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa loob ng Damache Computer Shop na matatagpuan sa Building 15 Unit 119 Vitas Katuparan, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Vallejo, lumalabas na nagpi-facebook ang biktima ng dumating ang dalawang suspek na riding in tandem.

Ayon naman kay Bryan de la Cruz, 22, residente sa lugar, naghuhugas umano siya ng pinggan ng makarinig siya ng putok at nang tingnan nakita niyang nakadapa na ang biktima na duguang nakahandusay at naghahabol ng kanyang hininga.

Napansin din nito na nagmamadaling tumakas ang mga suspek na nakahelmet ngunit hindi naman nito naplakahan ang motorsiklo.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply