Taxi driver hinoldap na, binoga pa sa QC

HINDI lang hinoldap kundi binaril pa ng mga tatlong holdaper ang isang taxi driver na kanilang sinakyan sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Isinugod naman agad sa Quezon City General Hosptial sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Joel Mendoza, tsuper ng Environ taxi na may plakang TXK-305.

Sa ikinasang follow-up operation, nakuwelyuhan ang mga suspect na sina Tonio Felicano at Noel Narido habang nakatakas naman ang isa sa kanila na ngayon ay tinutugis pa rin.

Naganap insidente dakong 12:15 ng madaling araw sa kanto ng General Luis at Dr. Villareal Street sa Barangay Gulod, Quezon City.

Ayon kay Mendoza, pinara siya ng mga suspect at nagpahatid sa Barangay Gulod pero pagdating sa lugar ay nagdeklara ng holdap.

Sa salaysay naman ng testigong si Charry Dela Cruz, inakala nilang magbababa lang ng kanyang mga pasahero ang naturang taxi driver pero maya-maya lamang ay nakarinig na sila ng tatlong putok ng baril.

Sa puntong ito, nakita niyang bumababa ang taxi driver na duguan at humihingi ng tulong sa mga tambay upang maisugod ito sa Quezon City Hospital

Ayon naman kay Police Supt. Crisostomo Mendoza, hepe ng Kamuning station 10,  modus ng grupo na magpahatid sa lugar ang mga holdaper at saka magdeklara ng holdap.

Narekober sa mga suspect ng ibat-ibang ID maging ang susi sa taxi na huli nilang nabiktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply