Taxi driver inatake sa puso sa itaaas ng QC footbridge, todas

INATAKE sa puso ang isang taxi driver habang umaakyat sa Metro Manila Development Authority (MMDA) footbridge sa Quezon City kaninang umaga.

Base sa nakuhang drivers license, ang biktima ay nakilalang si Danilo Busas, 57-anyos, tubong Tarlac ngunit naninirahan sa Valenzuela City. Hinihinalang tumaas ang blood pressure nito na nagresulta para ito atakihin sa puso.

Naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng umaga sa isang MMDA footbridge sa may kanto ng Balintawak at Efipanio delos Santos Avenue (EDSA).

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang pamilya na umaakyat sa naturang MMDA footbridge. Nabatid na nagmula sa pamamasada ng taksi ang biktima at pauwi ito at ang kanyang pamilya sa Tarlac para humabol sa Araw ng Undas.

Pagka-akyat na pagka-akyat sa ilang hakbang na hagdanan, biglang sumikip ang dibdib ng biktima at nabuwal sa sementadong daanan.

Unang napaulat na isang traffic enforcer ang namatay sa itaas ng footbridge bagama’t hindi pa naman ito kinukumpirma ng MMDA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply