Taxi driver kritikal sa tinalo sa bilyar

KRITIKAL ang isang taxi driver matapos saksakin ng putol na tako ng tinalo sa bilyar nang mapikon ang una sa Caloocan City kaninang umaga, Nobyembre 18.

Inoobserbahan pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Jonas Olarte, 56, driver ng Pollane taxi.

Nadakip naman si Jonathan Pedro, 26 kasamahang driver ng biktima.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, naglaro ng bilyar ang biktima at suspek malapit sa kanilang garahe sa Tullahan road ng lungsod.

Nang matalo ay naasar ang suspek dahilan para paluin ng tako ng bilyar ang biktima.

Nang naputol ang tako ay ginamit naman iyon ng suspek na pangsaksak sa biktima.

Agad namang nadakip ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply