Taxi driver na suplado’t nagpapatong sa metro, binalaan

taxi

HABANG palapit ang Kapaskuhan, pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga taxi driver na huwag dedmahin at humingi ng fix fares sa mga pasahero.

Sinabi ni LTFRB chairman Jaime Jacob na ang pagdedma sa mga pasahero o pagkakasa ng fixed rates sa halip na gamitin ang metro ay ikinokonsiderang paglabag sa prangkisa.

Ang mga magrereklamong pasahero ay maaring tumawag o mag-text sa numerong 0921-448-7777 para mai-report ang mga tiwaling taxi drivers.

Tatanggap aniya ng mga reklamo ang kanilang LTFRB personnel simula alas 8 a.m. hanggang to 6 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Ang mga reklamo na ipinadala lampas ng office hours ay tatangkilikin kinabukasan.

Tiniyak naman ni Jacob sa publiko na kahit kulang sila sa mga tauhan ay pagsisilbihan nila ang mga pasahero na nakaranas ng masamang karanasan sa mga abusadong taxi drivers.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P2,000 para sa first offense; P3,000 plus at franchise suspension ng hindi hihigit sa 6 buwan para sa pangalawang opensad; at franchise cancellation para sa ikatlo.

Magpapakalat din ng nakaunipormeng LTFRB personnel sa key areas sa Metro Manila, tulad ng sa mga shopping malls at iba pang mataong lugar, dagdag pa ni Jacob.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply