Telecom monopoly hindi ma-stop ng NTC

_raul valino

INAMIN ng National Telecom-munication Commission (NTC) kahapon na wala silang magagawa para ma-stop ang telecom monopoly sa bansa.

Ang gusto ng NTC ay magkaroon ng at least tatlong telecom companies para matiyak na mawala ang monopoly at magmura ang presyuhan sa merkado at mapabuti ang kanilang serbisyo.

Itinatag ang Sun Cellular na pag-aari ni John Gokongwei at nawala ang monopolya. Pero binili ng Smart ang Sun at balik na naman tayo sa monopoly.

Ang sabi ng NTC, wala silang magagawa dahil wala raw tayong anti-trust law, ‘di tulad sa Amerika at iba pang mga bansa.

Ano ba ang ibig sabihin ng anti-trust law?  Simple lang. Ang mga competitor ay nagkukutsabahan para ma-control ang presyo ng paninda.

Dahil dito ay nagkakaroon ng price fixing at unfair competition. O kaya ay binibili ang kalabang kompanya para mawala ang competition.

Bawal yan sa sarili nating Constitution: “The State shall regulate or prohibit monopolies when the public interest so re-quires. No combinations in restraint of trade or unfair competition shall be allowed”.

Pagalingan ang Globe at Smart/Sun sa kanilang serbisyo at dapat lang. Pero kung dalawa lang ang magkatunggali, ito ay mistulang monopoly.

Kung tatlo ang maglalaban-laban sa telecom industry ay malamang na mas gumanda ang kanilang serbisyo at bumaba ang presyo nila.

Halimbawa, tingnan n’yo lang ang  sariling survey ng @Smart-cares. Eto ang “sentiments” ng mga  Smart subscribers: 60% Internet Service – Slow internet connection, no 3G Signal, poor internet connection, intermittent connection, no internet connection Weal/Slow 3G Connection.

Ang 17% naman ng mga na- survey at may reklamo sa delayed SMS, unable to receive/send SMS, no signal, missing load/load consumed. Siyempre, mayroon ding very satisfied sa Smart/Sun. Ang sabi nila ay they are staying with Smart because of prolonged use of SIM.

Ganoon pa man, ang sabi naman ni Ramon Isberto, head of Smart Public Affairs, with only 2.54% of calls made on the Smart network are unable to connect successfully.

Against the 2.0%  NTC stan-dard for Dropped Call Rate, Smart came in at 2.15 percent.

Sabi rin ni Isberto, Smart  service dominated the average receive signal level, registering -61.14 dBm (decibel-milliwatt).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply