Tensyon sa Pagadian City, binabantayan

dilg-sec-mar-roxas

NANGANGAPA sa kadiliman ang Pagadian City sa Zamboanga del Sur, kasama ang Marawi sa may bahagi ng Mindanao dahil sa naubos ang ipon ng napakaraming mga kababayan doon sanhi ng multi-billion pyramiding scam.

Sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas, hindi pa rin masasabing kontrolado na ang sitwasyon sa Pagadian City dahil may namumuong tensyon pa rin sa lugar.

Dahil dito, iniutos na ng kalihim sa mga pulis na manatiling nakaalerto at mahigpit na bantayan ang mga lugar upang maiwasan ang anumang karahasan.

Tiniyak naman ni Roxas, na  lalo pang paiigtingin ang  pagtugis ng mga pulis sa mga suspect sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, sisibakin naman sa kanilang puwesto ang mga empleyado ng Local Governemnt Units (LGUs) at PNP sakaling mapatunayang tumulong sila sa pag-recruit at naging bahagi sa Aman Futures scam.

Giit pa ni Roxas, walang sasantuhin ang mga pulis mapa-mayor o governor kung mapapatunayang kabahagi sila ng panlilinlang, panloloko at pambibiktima sa kanilang kababayan.

Pinapakuha na rin ng kalihim ang certifications mula sa mga treasurers at sa mga bangko upang matukoy na buo pa rin at kompleto ang pera ng LGUs.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply