Text refund depende sa utos ng korte

INAMIN ng National Telecommunications Commission (NTC) na kailangan pa nilang hintayin ang desisyon ng korte sa kanilang kautusan sa mga telecommunications company na ibaba ang singil sa text at refund sa kanilang mga subscriber bago ito maipatupad.

Inatasan ng NTC ang mga telco na isauli ng mga ito ang sobrang singil sa text na nagkakahalga ng P0.20 kada text ng mga subscribers simula noong Disyembre 1, 2011.

Matatandaan na noong buwan ng Disyembre nagpalabas ng memoramdum ang NTC na naglalayong ibaba ng mga Telco ang kanilang singil sa text mula P1.00 sa P0.80, subalit hindi ito sinusnod ng mga kumpanya.

Dahil dito, ipinag-utos ni NTC Director Edgardo Cabarrios ang agarang refund ng mga telco sa kanilang mga subscribers habang dapat rin na ipatupad na ng mga ito ang memorandum na P0.80 lamang kada text ang singil sa kanilang mga subscribers maging prepaid man o post paid.

Ayon kay Cabarrios ipapasok lang ang refund sa numero ng mga customer habang kailangan naman i-trace ang mga pangalan ng postpaid subscribers para maipasok sa kanilang account ang refund.

“Sa mga prepaid subscribers po kasi hindi po identified ‘yung mga may-ari ng prepaid, iki-credit po sa numero, sa sim card ‘yung sobrang singil. Pero ‘yung sa postpaid po kasi kilala ‘yung may-ari, madali pong i-refund ‘yun.” Paliwanag pa ni Ccabarrios

Nilinaw pa ni Cabarrios na hindi kailangan na mapektuhan ang mga unlimited services ng Telcos sa gagawing pagsasauli ng refund ng mga ito.

“Malinaw pa na mula Disymebre 1 2011 ay inatasan na naming sila na ibaba ang singil sa text kaya dapat lang nila itong i-refund sa mga customer ” saad pa ni Cabarrios

Iginiit din ng opisyal na kahit deregulated service ang text messaging ay may karapatan silang magtakda ng singil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply