Thanksgiving mass para kay St. Calungsod sa Cebu kasado na

KASADO na ang gagawing aktibidad para sa isasagawang thanksgiving mass na iaalay kay San Pedro Calungsod sa South Road Properties (SRP), Cebu City sa Nobyembre 30, 2012.

Upang mapanatili ang seguridad sa buong lugar ng pagdadausan ng pagdiriwang na inaasahang dadagsahin ng mga mananampalataya ay nagpulong na rin ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan ng Cebu City.

Kabilang dito ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Red Cross, Cebu City Police Office, Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council, kasama na rin ang ilang pari ng Archdiocese of Cebu.

Inaasahan namang dadalohan ni Pangulong Benigno Aquino III  para sa thanksgiving mass.

Sa nasabing petsa, isasara na ang lahat ng daanan at kalsada dakong alas-10:00 ng umaga na posibleng maapektuhan ng prusisyon.

Bubuksan naman ang SRP para sa mga debotong dadalo sa nasabing makasaysayang okasyon.

Gagawin naman ang assembly ganap na alas-11:00 ng umaga para sa mga participant na makikilahok sa foot procession.

Ang mga parishioner na sakop ng north parishes ay magtitipon naman sa D. Jakosalem Street at mga katabi nitong kalye habang ang mga devotee na sakop naman ng South Parishes ay sa Talisay Fish Port magtitipon-tipon upang makasali sa nabanggit na prosisyon.

Pagsapit ng ala-una ng hapon ay sisimulan na rin ang foot procession patungo sa venue ng pagdadausan ng misa ng pasasalamat.

Kasabay ng prosesyon ay isasagawa naman ang fluvial procession na manggagaling sa Ouano wharf at papunta rin sa SRP.

Dakong alas-2:00 naman ng hapon ay magkakaron ng kumpisalan sa Blessed Sacrament Chapel ni San Pedro Calungsod.

Sisimulan ang programa dakong alas-3:00 ng hapon sa templete ni San Pedro at isasagawa ang thanksgiving mass sa ganap na alas-5:00 ng hapon na pamumunuan ni Cardinal Ricardo J. Vidal.

Susundan naman ito ng cultural show at tatapusin ang okasyon sa pamamagitan ng makukulay at engrandeng fireworks display.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply